Saturday, October 18, 2008


ang mga fraternity ay maaring magdulot ng kasamaan at masamang impluwensiya sa mga mag-aaral kung ang mga kasapi nito ay pawang mga di matitinong mga tao at magdudulot lamang ito ng hindi magandang epekto sa pag-aaral at buhay ng mga mag-aaral.Sa paglipas ng mga panahon ng pagassli sa mga fraternity ay naging batayan upang ang mga mag-aaral ay masaasabing sikat at in sa mga uso at mga lkalakaran sa makabagong panahon. Ito ay naging poaraan ng mga kabataang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mga kaibigan at mga kasama sa mga katuwaan at kasiyahan na maaring maging paraan upang magkaroon ng pagkakataon na makapagpahayag ng mga opinyon at mga kuro-kuro tungkol sa mga pangyayari at bagya bagay sa paligid. MArami ang nagsabi na ang pagsali sa mga fraternbity ay nakatuwa at nakakapagbigay ng pagkakaton na magkaroon sila ng sariling mga pananaw.


Sa ngayon ang pagsali sa mga fraternity ay ginagawang pasyon ng mga kabataan upang magkaroon ng pagkjakataon na maging kabilanbg sa uso at maging updated sa mga kalakarang pangkabataan at kalokohan.
Marami rin ang nagsasabi na ang pagsali rito ay nagdudulot rin ng mabuti sapagkat magkakaroon mka ng pagkakataong makaghanapo ng mga magigiubng karamay sa problema at mga kaibigang tunay.

Ngayon, bilang isang mag-0aaral,m kung ang aking intensiyon ay ang makapagtapos ngh pag-aaral, kung ang isang samahan ay maaring makapagbigay sa akiun ng tulong at benepisyo ay mamarapatin ko na mapabilang sa samahan at kung hgin di naman ay maari akong makapagtapos ng pag-aaral sa sariling pagsisikap.





Jessa E. Mondala
Block IIC





Friday, October 17, 2008

Nagiging Kumplekado ang pag-aaral ng mga studyante sa pagsali sa fraternity at sorority?

Ano nga ba ang fraternity at sorority? Ito ay isang samahan ng mga kabataan patikular sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga myembro nito ay may tawagan na "sis" para sa mga kamyembrong babae at "bro" sa mga lalaki. Sa madaling salita, isinusulong nito ang sistemang "kapatiran".
Iba't-iba ang naging interpretasyon ng mga tao ukol sa organisayong ito. Ang iba, sinasabing ito ay nakakasama sa kadahilanang marami ng masamang pangyayari ang naiulat sa mga telebisyon, radyo at iba pa. Ang iba naman, ito raw ay nakakatulong kapag ikaw ay nakapagtapos lalo na sa paghahanap ng trabaho. Napapaunlad pa nito ang katangiang sosyal ng myembro dahil sa mga itinatatag na gatherings at nadadagdagan ang bilang ng mga kaibigan, kakilala at kakampi.
Para sa akin naman, nasa taong sumali na kung paano niya dalhin ang xtracurricular activities at pangakademik. Sa akin lamang naoobserbahan maraming buhay at kinabukasan ang nawasak dahil sa pag sali sa ganitong organisasyon. kagaya na lamang sa naulat na isang estudyante na nasawi bunsod ng pagiging miyembro nito. Ang iba naman, ay nagiging hambog dahil nga sa pagiging kasampi nito.
Dahil sa mga masamang pangyayaring ito ay maraming mg magulang ang nagdusa, at nabigo sa pag-asang magiging matagumpay ang kanilang mga anak sa pag-aaral dahil sa impluwensya ng sorority at fraternity.
Bilang isang mag-aaral, maging matalino sa pagpili at pagkilala sa anumang organisasyong sasalihan dahil ika nga nila "walang pagsisising nauna".

Posted by:
Ivy ann Toledo

Bakit marami ang nagkakainteresado na sumali sa Fraternity at Sorority?

Ayon sa nakalap kong impormasyon ang mga kabataang nagkakinteresado na sumali sa Fraternity at Sorority ay dumarami sa mga kadahilanang ang kapisnang ito ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral. Nagsagawa ako ng pagsisiyasat tungkol sa kanilang mga opinyon kung talagang nakakatulong ang Fraternity at Sorority sa kanilang pag-aaral. Ayon sa opinyon ng sampung mag-aaral ng USP pito sa kanila ang nagsasabing nakakatulong ang Fraternity at Sorority sa kanilang pag-aaral. Isang halimbawa nito ay sa panahon kung saan nakakaranas ang isang mag-aaral ng kagipitan. Ayon sa kanila interesado silang sumali dahil sa panahon ng kagipitan ay mayroong kapatid na handang tutulong sa iyo at iyan ang tinatawag nating "brotherhood". Sa sampung mag-aaral ng USP tatlo naman sa kanila ang nagsasabing hindi nakakatulong sa ating pag-aaral ang pagsali sa Fraternity o Sorority. Dahil sa mga iba't -ibang kadahilanang ito:

1.) Marami ang namamatay sa hazing dahil hindi nila nakayanan ang hirap at sakit na kanilang dinanas sa sinsabi nilang kapatiran.

2.) Ang iba naman ay interesado na pumasok dahil lamang sa kanilang kagustuhan na maging aztig at katakotan sa paningin ng karamihan.

3.) Interesado silang pumasok sa kapatiran dahil lamang sa kadahilanang naimpluwensyahan lamang sila ng kanilang mga kaibigan.

Napakasit isipin na maraming mga kabataan na na-iingagnyo at nagkaka-interisado na pumasok sa Fraternity at Sorority. Kahit alam nila na may iba't-ibang dilema ang hatid ng Fraternity at Sorority sa pagpasok sa tinatawag nilang kapatiran.

-Arniel P. Navarro
Block C
(BSAB)

Ano nga ba ang epekto ng fraternity at sorority sa karakter ng mga kabataang Pilipino?

Sa aking mga nakapanayam na mga dating miyembro ng fraternity at sororities tungkol sa pahayag na ito, marami daw ang naging epekto ng pagsali nila dito sa paghubog ng kanilang pagkatao. Isa sa maituturing na pinakadahilan ng kanilang pagsali sa mga fraternities at sororities ay belongingness o upang magkaron ng maraming kaibigan o karamay sa oras ng kagipitan. At ayon sa kanila, nakita talaga nila ang tunay na suporta ng kanilang mga brads at sis.Kaya naman malaki ang kanilang nagiging paniniwalang walang mananakit sa kanila at kung meron man malaki ang kanyang depensa laban sa kanila. Maliban dito, ang pagpapalakas ng loob o self-confidence ay isa rin sa mga dahilan. Bawat miyembro ng isang fraterniy at sorority ay dumadaan sa matinding pagsubok upang subukin ang kanilang tapang at galing, kaya naman mas lalong lumalakas at tumitibay ang kanilang loob lalo na kapag nalampasan nila ang lahat ng mga initiation rites o hazing sa mga fraternities at sororities na sinasalihan nila. Dahil hindi daw basta-basta ang mga pagsubok dinaanan nila.

kadalasan rin daw, mayroong mga ugali ng mga miyembro na nakukuha ng isa tulad na lamang nang pagiging wild, astig, sabay sa uso at sobrang bilib sa sarili at hambog. Ito ang mga negatibong ugali na makikita sa kanila ng karamihan, kaya naman marami ang di sang-ayon sa pagpapanatili ng mga fraternities at sororities sa mga eskwelahan. Ngunit sa mga taong kasapi dito marami ang naging pakinabang at naitulong nito sa kanila dahil nga sa pagkakapatiran kung saan ito ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob, katatagan at tapang.

Noon marami ang masasabing positibong naidudulot ang mga fraternities at sororities, tulad na lamang ng isa sa mga nakapanayam ko na nakatulong ang kanyang sis sa fraternity na sinalihan niya sa kolehiyo na may malaking posisyon sa isang kompanya na nagbigay sa kanya ng trabaho. Ngunit sa pagdaan ng panahon, wala ng magandang naidudulot ang mga ito dahil may nababalitang namamatay dahil sa mga hazings na tinuturing na mga rituals sa bawat bagong miyembro na sumasali dito. Dahil dito, nag-implementa ang gobyerno ng anti-hazing law, na siyandg naging daan kaya may mga eskwelahan na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga fraternities at sororities.

By: Sheila Mae Nicdao II-C

Thursday, October 16, 2008

Fraternity at Sorority: Nakakaistorbo sa Pag-aaral

Tayo ay pumapasok sa paaralan upang may matutunan,masuklian ang paghihirap ng ating mga magulang,makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay.
Ano nga ba ang sabi ng iba kung ika'y sasali sa Fraternity at Sorority? Pagdadamayan raw at pagkakapatiran.Tama nga ba? Ngunit bakit maraming mga estudyante ang namiligro ang buhay at namatay. Imbes na ang oras mo ay nasa paaralan at nakikinig sa leksyon ay lumalabas para bigyang oras ang fraternity at sorority. Nasaan ba ang pagkakapatiran kung nakikita mo ang iyong kapwa na pinapalo at pinapaso na walang kasalanan? Nasaan ba ang pagdadamayan kung ikaw ay nasasaktan na at umiiyak dahil sa sakit ng katawan. Yan ba ang sinasabi nilang pagkakapatiran at pagdadamayan?
Palo doon,palo dito,sampal sa kanan, sampal sa kaliwa.Saan ba doon ang natutunan nila? Naghahanap lamang sila ng sakit ng katawan.
Tayo ay nasa paaralan upang sa ganon naman ay masuklian natin ang pagpapagod ng ating mga magulang sa paghahanapbuhay. At hindi suklian ng pag-aalala na hahantong sa pagkakasira ng buhay. Nadadamay ang ating mga magulang,dapat pinapasaya natin sila sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.
Paano ka makakapagtapos kung wala ka palagi sa klasrom at mababa ang skor mo sa exams. Hindi maganda na ika'y gragraduate na puro pasang awa ang mga grado mo. Nakakahiya! Paano mo rin magagawa ang mga takdang-aralin mo kung palaging sumasakit ang katawan mo? Paano ka magkakaroon ng magandang buhay kung ang naabot mo sa pagsali sa fraternity at sorority ay simula ng pagkasira ng buhay mo? Marami na ang namatay sa fraternity at na rape sa sorority. Yan ba ang pagkakapatiran at pagdadamayan? Wala kang matutunan sa ganyang organisasyon. Hindi rin ito nakakatulong sa ikakaunlad ng iyong buhay at marami kang masasaktan lalong lalo na ang iyong mga magulang.
Sa mga kabataang papasok sa kolehiyo ay sana mamulat kayo kung ano ang magiging kinabukasan niyo kung kayo ay sasali sa fraternity at sorority. Sana ay i-ban na rin ang ganitong organisasyon upang di na tularan at wala ng buhay ang masayang.

Maraming salamat po sa iyong pagbabasa!

Mary joy R. Arroyo Block C

KOMENTO NG MGA MAGULANG TUNGKOL SA FRATERNITY AT SORORITY

Sa aking mga nakapanayam sa mga magulang tungkol sa fraternity at sorority merong sang-ayon at hindi sang-ayon sa ganitong pagkakapatiran. Sa ganitong sitwasyon marami tayong malalaman kung ano ba talaga ang hinaing o gustong ipaabot ng mga magulang sa matataas na pamahalaan sa ganitong klaseng grupo. Hindi sa lahat ng panahon ang mga peer group ay nakatutulong dahil lahat ng bagay sa mundo merong negatibo at positibo.Magiging epektibo at malinis sa pananaw ng mga tao ang isang peer group kung meron itong malaking maiaambag na maganda sa lipunan. Dahil hindi naman babatikosin ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang ganitong pagkakapatiran kung maganda lamang ang kinahihinatnan sa mga taong sasali sa ganitong grupo.
Tatlo sa limang aking nakapanayam sinabi nila na dapat lamang daw i-ban ang ganitong klaseng grupo dahil hindi ito nakapagdudulot ng maganda sa kabataang sasali. Ang nais lamang nilang ipaabot sa gobyerno na dapat subaybayan ng maayos ang mga kabataan lalong lalo sa mga kolehiyo dahil sa ganitong level daw nagsisimula ang fraternity at sorority. Sa ibang panig dalawang magulang ang nagsabi na wala naman daw masama sa ganitong pagkakapatiran , ayon sa kanila nakatutulong daw umano ito sapagka't kung may problema ang isa sa grupo ay tutulong ang lahat kaya nga marami ang sumasali sa ganitong pagkakapatiran o fraternity a sorority. Hindi naman daw siguro tanga ang mga kabataan na sasali sa ganitong grupo dahil hindi naman lahat nito ay nakakasama.
Samat'wid merong mga magulang ang sang-ayon at hindi sang-ayon sa fraternity at sorority. Pero sa ganitong sitwasyon mas marami ang hindi sang-ayon, sapagkat talaga daw na nakapagdudulot ito ng disgrasya o kapahamakan, halimbawa nalang yung sa UP student na namatay dahil sa hazing, isa lamang daw iyon sa mga kadahilanan kung bakit kailangang i-ban ang ganitong grupo. Para sa mga gobyerno kailangan talagang tutukan ang ganitong sitwasyon sapagkat magulang ang mas maaapektuhan kapag may masamang nangyari sa kanilang mga anak.

By:Karen C. Carreon Blk-C

Kinakailangan nga bang saktan ang bagong membro ng isang fraternity?

Ang pag sali sa isang Fraternity o Sorority, ay kinakailangan munang dumaan ang mga bagong membro sa isang pagsubok na inihahanda ng mga lider ng isang organisasyon upang masubokan ang katapatan at tatag ng loob ng mga bagohan. Isa sa kanilang ginagawa ay ang hazing o pagpalo sa katawan ng mga gustong sumali sa kanilang grupo. Ito ay maaring magdulot ng kapahamakan sa isang tao at maari ring ikamatay. Ngunit hindi ito iniintindi ng mga lider ng organisasyon, ang nasa isip lang nila ay ang katapatan ng bagong membro. Hindi lang "Hazing" ang kanilang ginagawa, may ibang organisasyon din na ang kanilang ginagawa ay pinapahiya nila ang kanilang bagong membro sa ibang tao at inuutusan nila ito ng kahit anu na maaring mapahiya sa iba. Ito ay kusang loob ding ginagawa ng mga bagohan para lang mapasapi sa isang organisasyon. Ilan lamang ito sa mga dapat tandaan sa mga taong gustong sumapi sa mga Fraternity at Sorority.

Ngayong alam na natin ang maaring gawin sa kung sinumang gustong maging membro ng isang Fraternity o Sorority, may lakas pa ba kayong sumali dito? Kung para sakin bakit pa? Bakit ko hahayaang saktan ang sarili ko ng ibang tao. Ngunit nasa inyo narin ang disisyon dahil alam natin na ang bawat tao ay may karapatang mag desisyon para sa kanilang sarili.

By: Lumansoc, Constancia II-C